Gusto kon ibahagi sa inyo ang natutunan ko sa pagpabasa ng libro na Rich Dad Poor Dad ni Robert Kyosaki. Itong topic na ito pinaka tumatak sakin.
Apat(4) na uri ng tao na kumikita ng pera
- Employee-Ito yung mga taong nagtatrabaho sa mga kompanya. Ang pera na kinikita nila dito kada buwan ay fixed na at kung suswertihin at mabait ang may ari ng kompanya ay mga incentives at bonus. Those people who belongs here are those in the system of rat race. Ano nga ba ang rat race? Kung ilalarawan natin, isang daga na natrap sa isang lugar at wala syang magawa kundi tumakbo. Kung ikukumpara natin sa pang araw-araw na buhay, nagtrarabaho sila para mapunan ang kanilang pangangailangan, nagtatrabaho para gumastos, nagtatyaga gumising ng mang araw-araw, nagtatrabaho ng walong oras kada araw pero walang naiipon at kung may naiipon man nagagastos pa din.
- Self Employed-Ito ay mga taong may professional na trabaho gaya ng doctor, lawyer, teacher, mga endors. Hindi ito naiiba sa employee dahil gaya nila madalas wala ring ipon kung minsan panga may utang. Pero ito yung mga taong kuntento na sa kanilang pamumuhay. Mga tao na nagtatrabaho para gumastos.
- Business Entrepeneurs-Ito yung mga taong may sariling business na pinapatakbo. Nagbibigay ng panahon, talent at pera upang makabuo ng isang passive income kung saan, sila ang boss.
- Investors-Ito yung mga taong may malaking puhunan upang kumita ng malaking pera sa pamamagitan ng pagiinvest sa stock market, real state, at iba pa.

No comments:
Post a Comment