Marahil ang iba sa atin ay hangang ngayon ay wala pa ring ipon para sa kinabukasan. Gusto kong ibahagi sa inyo ang aking natutunan kung pano nga ba tamang pagiisip sa pagiipon ng pera.
Tips on
saving Money
1.Set your
Goals - ang pagkakaroon ng motivation sa sarili ay isang magandang paraan upang
makapagipon ng pera. Kailangan lang na alamin natin kung ano ang
gagawin natin sa pera. Kung ito ba ay para sa iyong pangarap na bahay, kotse,
laptop; kung ito ba ay para sa iyong pagpapakasal, sa pag aaral ng iyong
mga, o sa iyong pagreretiro.
2. Make it a
habit - parang nanood ng telibisyon o nakikinig ng radio araw-araw. Ibig
sabihin kapag nasanay ka ng gawin ito hindi mo namamalayan na Malaki na ang
naiipon mo. Gawin mo ito bilang bahagi ng buhay mo. Kahit paunti-unti o
pabarya-barya ang mahalaga may naiipon ka. Pwede mong gawin sa bahay everyday
at ilagay sa alkansya pagkatapos ay isave mo sa bangko every week upang hindi
mo magalaw ang pera.
3. Live below your means -
matutong makuntento kung anung meron sayo. Kung ano lang ang kailangan mo sa
araw-araw na buhay yun lang ang gastusan mo. Hindi mo kailangan bumili ng
mamahaling gamit o branded ang mahalaga nasusuportahan mo ang pangunahin mong
pangagailangan.
4.Identify the needs and wants –
ang dalawang ito ay magkaiba sapagkat ang needs ito yung mga bagay hindi tayo
mabubuhay kung wala ito gaya ng bahay, pagkain, damit. Ang wants naman ay ang
mga bagay na pwede tayong mabuhay kahit wala ito gaya ng gadgets, appliances,
mamahaling accessories, at iba pa. Alamin mo yung mga bagay na dapat mong
bibilhin kung ito ba ay needs or wants.
5. Create a budget – mahalagang
malaman natin kung saan napupunta yun perang ginagastusan natin upang maalis
natin ung mga bagay na hindi naman kailangan pag gastusan. Isang paraan din ito
upang malaman natin kung magkano ang halaga na pwede natin maisave every month.
6. Create another source income- huwag magdepende sa maliit na sahod mo. Gumawa ng bagay na pwede pagkakitaan tulad ng buy and sell items o kay pag eeload business para makakadagdag sa ipon.
6. Create another source income- huwag magdepende sa maliit na sahod mo. Gumawa ng bagay na pwede pagkakitaan tulad ng buy and sell items o kay pag eeload business para makakadagdag sa ipon.

No comments:
Post a Comment